Pangarap kong jackpot? Comelec: Lampas 1.1M na ang naghain ng COC para sa barangay, SK elections

Aabot na sa 1.1 milyong Pilipino mula sa lahat ng probinsya ng bansa ang naghain ng kani-kanilang mga certificate of candidacy (COC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa ulat na ibinahagi ng komisyon, may 1,181,404 na COCs ang natanggap nila mula sa 82 na probinsya ng bansa. Mula sa kabuuan, 776,781 ang lalaki (65.75 percent) habang 404,623 naman ang babae (34.25 percent).

May 672,016 na puwesto ang paglalaban sa halalan, dagdag pa ng Comelec.

Mula sa kabuuan nito, 42,001 na puwesto ng barangay chairman ang paglalabanan, habang 294,007 naman ang mababakanteng puwesto para sa mga barangay kagawad.

Katumbas ng mga naturang bilang ang seats para sa SK chairman at SK Kagawad.

Ayon kay Comelec chair George Garcia, maituturing na payapa pa rin ang sitwasyon sa paghain ng COCs sa ngayon. Dagdag pa ng opisyal, inasahan nila na aabot sa dalawang milyon ang mga maghahain ng kani-kanilang COC.

Paliwanag pa ni Garcia, tinataya ng komisyon na magiging mahigpit ang labanan sa mga barangay at SK dahil matagal na nakapagsilbi ang mga opisyal matapos ang sunod-sunod na pagpapaliban sa eleksyon nila.