Pangakong napako? SIM registration wala epek kontra text scam

Hindi pa rin ligtas ang mga Pilipino sa text scams kahit na rehistrado sa mandatory SIM (subscriber identity module) card registration, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Hindi pa rin ligtas ang mga Pilipino sa text scams kahit na rehistrado sa mandatory SIM (subscriber identity module) card registration, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ay sa kabila ng pangako ng ahensya na paiigtingin nito ang sekyuridad ng mga users laban sa mga mapanlinlang na text messages alinsunod sa SIM Registration Act of 2022.

Idiniin ng NTC na tanging pagpapataw lang ng parusa ang kinokober ng batas at hindi upang gawing text-scam free ang bawat Pilipino sa bansa.

Kasunod ito matapos kwestiyunin ni Senator Sherwin Gatchalian ang umano’y pagiging tulog ng ahensya dahil sa nahalughog na mga SIM cards sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

“These scamming activities have become a regional phenomenon not confined only within the Philippines,” depensa naman ng NTC.