Pang-ookray ni Vice kay Ogie, pinuna ng netizen

Hindi napigilan ng isang netizen na punahin ang ginagawang pang-ookray ni Vice Ganda sa kanyang co-host sa "It's Showtime" na si Ogie Alcasid.

Hindi napigilan ng isang netizen na punahin ang ginagawang pang-ookray ni Vice Ganda sa kanyang co-host sa “It’s Showtime” na si Ogie Alcasid.

Sa isang viral Facebook post, ibinahagi ng netizen ang larawan ng kulitan nina Vice at Ogie.

Dito mababasa na inaasar ni Vice ang tangkd ni Ogie. Sabi ng isang commenter sa larawan, “He (Ogie) has to lower his dignity sabay kapalan ng mukha. Para may sweldo, wala na kasi siyang mapupuntahan kung wala siya sa (It’s) Showtime.”

Ayon sa uploader, tila ginagawa umanong katatawanan si Ogie, kahit na kilala ito bilang batikang komedyante.

Aniya, maging ang kanyang nanay ay napatanong umano kung kinakaya bang panoorin ng asawa ni Ogie na si Regine Velasquez na okray-okrayin lang si Ogie.

“Eto ha, medyo napapansin ko na rin na ginagawang Bentong ni Vice Ganda si Ogie Alcasid. Yung parang Laughing Stock? Eh nung nasa GMA si Ogie he was a Comedy Veteran side by side with Michael V. They were Kings! Sila ang nagpaumpisa ng mga comedy GaG show hence Tropang Trumpo” in ABC5 tapos “Bubble Gang” sa GMA mga tinitingala sa larangan ng pagpapatawa,” sentimyento ng naturang netizen.

“Pero sa Showtime ganon ganon na lang pagtripan at lait laitin si Ogie. Even my mom said ‘napapanood kaya ni Regine yang mga pinagagawa ni Vice?’ Kasi nga sobrang harsh na ng treatment ni Vice kay Ogie. Sobrang galing na OPM composer, singer at comedian tapos parang naging Pipoy/Bentong/LongMejia ang treatment?” dagdag pa nito.

PANOORIN: