Pang ilang protesta na nga ulit ito? Pilipinas, naghain ng panibagong diplomatic protest laban sa China matapos ang banggaan ng mga barko sa West Philippine Sea—DFA

Ipinatawag rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xilian tungkol sa insidente upang pagpaliwanag tungkol sa insidente, ngunit wala raw ito sa bansa sa kasalukuyan.

Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China matapos banggain nito ang mga resupply boats na magtutungo sana sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Huang Xilian tungkol sa insidente, ngunit wala raw sa bansa ang opisyal.

Sa halip, ibinigay na lang ang kopya ng protesta sa deputy chief of mission ng Chinese embassy, ayon kay Daza.

“Ayungin Shoal is part of our exclusive economic zone and continental shelf and we have sovereign rights and jurisdiction over it,” sinabi ni Daza sa pulong balitaan Lunes ng umaga, Oktubre 23.

“China has no right to linger in and around…and to actually interfere with the Philippines’ legitimate activities there,” dagdag pa ng opisyal.

Giit pa ni Daza na “routine at regular” ang mga ginagawang resupply mission ng Pilipinas, na maihahalintulad sa humanitarian activity, kaya hindi dapat ito hadlangan ng sinuman.

“It’s rather difficult to imagine how these activities could be deemed as threatening or provocative to China,” sinabi ni Daza.

“China as a major power bears a heavier responsibility in contributing to peace and stability in the region,” dagdag pa ng opisyal.

Malaking palaisipan tuloy sa sinseridad ng China na ayusin ang gusot sa West Philippine Sea kung pagbabasehan ang mga paggipit ng mga barko nito sa mga bangka ng Pilipinas, aniya.