Pang-huli daw dapat? Staff ng concert binuking umano’y pag-singit ni Francine

Ibinahagi ng isang nagpakilalang staff sa naganap na konsyerto sa San Jose, Occidental Mindoro na biglaan talaga ang pag-eksena ni Francine Diaz sa naturang aktibidad.

Ibinahagi ng isang nagpakilalang staff sa naganap na konsyerto sa San Jose, Occidental Mindoro na biglaan talaga ang pag-eksena ni Francine Diaz sa naturang aktibidad.

Sa comment section ng isang video sa Facebook, nagsalita ang staff na naka-toka sa sound system ng naturang concert.

Dito niya pinaliwanag kung saang parte ng concert dapat umeksena si Francine.

“Hindi po namin alam kung sino po ang susundin namin, nasa program po lahat, na last po si Maam Francine, pero siningit po ng manager ni maam Francine na siya unahin kahit hindi po nila nasabihan ang Orange and Lemon,” saad ng staff.

“May program po kaming sinusunod, hindi lang po nagkaintindihan yung manager, organizer, at host ng event. Kami po kung ano lang yung sinabi nila yun lang po sinusunod namin, kaya po kahit kami nagulat sa nangyari. Nagtatanong po kami every 5 minutes sa organizer para malaman po namin kung ano magiging hakbang po namin sa event,” dagdag pa niya.

Lumikha ng issue ang biglaang pag-singit ni Francine sa concert kahit pa nasa stage na ang bandang Orange and Lemons.

Tinuloy pa ni Francine ang kanyang pagkanta kahit pa hindi na-play ang minus one ng kanyang awitin dahil na rin sa kalituhan ng mga staff.

Hindi natuwa ang banda sa naging kaguluhan sa nasabing concert.