Pang-16 na ‘yan! Mag-asawa sa Pangasinan nagsilang ng triplets

Ikinagulat ng live-in couple sa Pangasinan na magsisilang pala sila ng triplets, dagdag sa kanilang naunang 13 na mga anak.

Ikinagulat ng live-in couple sa Pangasinan na magsisilang pala sila ng triplets, dagdag sa kanilang naunang 13 na mga anak.

Parehas na byuda sa kanilang mga naging unang asawa, sina Cecilia Macam, 41, at Romulo Perez, 61, ay kasalukuyang may 16 na anak at binibuhay ang malaking pamilya sa pagtitinda ng bamboo basket.

“Hindi ko expect na ganitong tatlo, nabigla ako noong nag-ultrasound siya… Masaya naman ako na lumabas sila, masaya na tatlo ang ibinigay,” sabi ni Perez.

May pitong anak si Perez sa unang asawa, habang si Macam ay may anim sa huling pagsasama. Sa pagdating ng triplets, 16 na ang kanilang mga anak.

“Medyo hirap kasi habang lumalaki ang bata ay lumalaki ang gastos kasi palaki nang palaki [sila]… matakas na ‘yung lalaki,” ani Macam.

Hiling ng mag-asawa sa kanilang triplets na lumaki sila nang malusog, mabait, at may takot sa Diyos.