Pang-14 sa 2050! Paglago ng ekonomiya, tiniyak ni Recto

Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na pagdating ng taong 2050 ay isa na ang Pilipinas sa may pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na pagdating ng taong 2050 ay isa na ang Pilipinas sa may pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Sa isang press conference ngayong Miyerkoles, inihayag ng kalihim na nasa tamang direksyon ang Pilipinas para maging ika-14 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo 26 na taon mula ngayon.

“By 2050, the Philippines will be the 14th biggest economy in the world. We’re on track… if we follow the trajectory,” pahayag ni Recto.

“Because we have a young population, we have a young demographic profile — you’re going by what? Roughly six percent every year. Today, the Philippines is what? We’re Top 40 in the world. Out of 190 countries, our economy [and] purchasing power is about a trillion dollars [already],” paliwanag ng dating senador.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang kanyang ahensya ang tiwala sa potensyal ng ekonomiya ng bansa.

“It’s not only the DOF who’s saying that, but if you take a look at the [International Monetary Fund], World Bank, they will tell you — that by 2050 our potential is to be Top 14 in the world,” aniya pa.