Panawagan ni Alvarez na ‘wag suportahan si PBBM sinopla ni Año

Maituturing na iresponsable, iligal, at labag sa konstitusyon ang naging panawagan ni Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na itigil na ang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Maituturing na iresponsable, iligal, at labag sa konstitusyon ang naging panawagan ni Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na itigil na ang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang rally noong Abril 14, hinikayat ni Alvarez ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin ang kanilang suporta kay Marcos upang maiwasan ang posibleng digmaan sa West Philippine Sea.

Sinabi niya na ang isang digmaan sa pagitan ng China at Pilipinas ay magdudulot ng patayan, matinding pinsala, at kagutuman.

Dahil dito ay binigyang-diin ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año, ang naging pahayag ni Alvarez ay makokonsidera bilang “seditious” na walang lugar sa sibilisadong lipunan.

“Any call for withdrawal of support when done by a public official, more so one that is also a high-ranking reservist officer, is not only irresponsible but also illegal and unconstitutional,” wika ni Año.

“Such utterances and actions can be construed as seditious or rebellious and they have no place in our society,” dagdag pa nito.