Panalong muli! Pilipinas, hinirang ng ‘Destination of the Year’ ng sikat na travel guide

Wagi ang Pilipinas bilang “Destination of the Year” sa ika-siyam na TripZilla Excellence Awards 2023.

Kinilala ng sikat na travel guide na TripZilla ang Pilipinas bilang “Destination of the Year” sa ika-siyam na TripZilla Excellence Awards 2023.

Inanunsiyo ito Tourism Promotions Board, isang attached agency ng Department of Tourism, na tinawag na “significant milestone” ang karangalang natanggap. Ang nasabing award ay nakuha ng Sentosa sa Singapore noong nakaraang taon.

“This prestigious accolade showcases the country as a top travel destination, celebrating the nation’s diverse attractions, rich heritage, and warm hospitality,” saad ng Board.

Bukod pa diyan, pinarangalan din ang Pilipinas bilang Sustainability Leader of the Year (Asia) sa ikalawang sunod na taon, ayon na rin sa Board.

“We are proud to receive the Sustainability Leader of the Year (Asia) award for the second time in a row and be named the Destination of the Year by TripZilla. These accolades are a testament to our passion for showcasing the beauty of the Philippines and our ongoing efforts in championing sustainability and providing genuine local experiences,” sabi pa nito.