Panalo ang Pilipino dito! Maharlika Investment Corp., dapat mamuhunan sa NGCP para ayusin ang pangit na serbisyo—Romualdez

Para kay House Speaker Martin Romualdez, makatutulong ang Maharlika Investment Corp. para ayusin ang serbisyo ng NGCP at mapababa ang singil nito sa kuryente.

Nais ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mamuhunan ang Maharlika Investment Corporation (MIC) National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos ang malawakang power outage na tumama sa Western Visayas nitong nakaraang linggo.

“This strategic investment could provide essential capital for infrastructure upgrades and help in lowering the cost of electricity for consumers,” paliwanag ni Romualdez sa isang pahayag nitong Biyernes, Enero 5.

BASAHIN RINNagkataon lang o nagbabadyang krisis na? Bahagi ng Panay, Negros Occidental, tinamaan ng malawakang blackout

Makatutulong rin umano ang pamumuhunan ng MIC na maayos ang serbisyo ng NGCP, na nauna nang kinastigo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa kawalang aksiyon nito sa mga paulit-ulit na brownout sa rehiyon.

“I believe that investing in the power sector will set up major benefits for the country,” dagdag pa ni Romualdez.

Sang-ayon naman sa panukala ni Romualdez si Rafael Consing Jr., ang presidente at CEO ng MIC.

“I fully endorse Speaker Martin Romualdez’s proposal for the Maharlika Investment Corporation to strategically invest in NGCP. This move holds immense potential to strengthen our energy sector and pave the way for a brighter future,” aniya.

Matatandaang nagpulong na sa unang pagkakataon ang MIC Board noong Enero 3—na mismong araw nagsimula ang malawakang power outage sa Western Visayas.

BASAHIN RINArangkada na! Maharlika Board, nagpulong sa kauna-unahang pagkakataon