Pampasaherong barko, barge nagbanggan sa Batangas; 1 sugatan

Sugatan ang isang indibidwal matapos magbanggan ang pampasaherong barko at barge sa isla Verde, Batangas nitong Miyerkoles bandang ala-1 ng madaling araw.

Sugatan ang isang indibidwal matapos magbanggan ang pampasaherong barko at barge sa isla Verde, Batangas nitong Miyerkoles bandang ala-1 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), papuntang Calapan Port ang pampasaherong barkong Fastcat M19, kung saan may sakay ito na 41 pasahero at 47 crew.

Habang ang barge naman ay may sakay na 300 sako ng semento patungong Semirara Island sa Caluya, Antique.

Dahil sa aksidente, tinamaan ang kanang mata at kanang labi ng 26 anyos na pasahero.

Bukod diyan ay nawasak din ang likurang bahagi hanggang sa third passenger deck ng naturang barko.

Maging ang unahan ng barge na Krizza Rica, na hinahatak ng motor tugboat na MT Migi, ay nasira rin.

Agad namang naitakbo sa Ma. Estrella General Hospital ang sugatang pasahero.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng PCG upang matukoy ang may kasalanan sa banggaan.