Pampagana! Romualdez inayudahan mga atleta ng Leyte

Namahagi si House Speaker Martin Romualdez ng tulong-pinansyal sa ilang atleta ng Leyte na sasabak sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) meet.

Namahagi si House Speaker Martin Romualdez ng tulong-pinansyal sa ilang atleta ng Leyte na sasabak sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) meet.

Nasa 530 atleta ang natulungan ni Romualdez. Tumanggap ang bawat isa ng tig-P5,000.

Ang mga atletang hindi taga-Tacloban ay nakatanggap pa ng dagdag P5,000 para ipambili ng uniporme, sapatos, at ibang pangangailangan.

Sinaksihan ng anak ng House Speaker na si Andrew ang pamamahagi ng tulong-pinansyal.

“We commend the hard work of our athletes as they prepare for the regional sports event. Do your best to achieve your dream,” saad ni Andrew.

Gaganapin ang EVRAA sa Mayo 5 sa Ormoc City. Ang mga magwawagi rito ay magiging kinatawan ng Region 8 sa 2024 Palarong Pambansa.