Pamilya ni Jaclyn Jose, kumbinsido walang foul-play sa biglaang pagkamatay

Naniniwala ang pamilya ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose na walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito.

Naniniwala ang pamilya ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose na walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito.

Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), nakiusap ang immediate family ni Jaclyn na huwag nang isapubliko at pag-usapan pa ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

“In deference po sa request po ng family for some privacy ay we opted not to discuss further the case involving Miss Jaclyn Jose. But naniniwala naman po sila at convinced naman po sila na wala pong foul play,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang pulong-balitaan ngayong Lunes.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang PNP sa mga naulila ni jaclyn.

Ayon sa ulat, pumanaw si Jaclyn nitong Sabado, March 2. Siya ay 59 years old.