Pamilya muna bago ang lahat: Direk Paul Soriano, nagbitiw na sa pwesto

Isa rin si Paul Soriano sa mga masugit na tagasuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong campaign period.

Nagbitiw na bilang Presidential Adviser for Creative Communications ang beteranong director na si Paul Soriano.

Inanunsiyo ito ng Malacañang nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Ayon kay Communication Secretary Cheloy Garafil sa isang pahayag, na-resign si Soriano dahil sa mga “personal commitments” nito.

“Presidential Adviser Paul Soriano took a well-deserved break to spend time with his family and newborn daughter. He has since submitted his resignation to prioritize his personal commitments,” paliwanag ni Garafil kung bakit nagbitiw si Soriano, na unang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos noong Oktubre 2022.

Matagal nang tinutulungan ni Soriano si Marcos sa mga advertisements nito simula pa lang noong vice governor pa lamang ang huli. Isa rin si Soriano sa mga masugit na tagasuporta ni Marcos noong campaign period.

Wala pang kapalit si Soriano, ayon kay Garafil.