Pambili sana ng jeep! Inutang na P300-K naabo sa sunog

Kaawa-awa ang sinapit ng isang lalaki matapos madamay sa sunog ang P300,000 na pambili niya sana ng pampasaherong jeep.

Kaawa-awa ang sinapit ng isang lalaki matapos madamay sa sunog ang P300,000 na pambili niya sana ng pampasaherong jeep.

Ang tahanan ni Mark Joseph Pede ay isa sa 11 bahay na natupok ng sunog sa Barangay Fort Bonifacio Zone 3, Taguig City ngayong Martes.

Sa kasamaang palad, pati ang inutang niyang pera ay hindi nakaligtas sa sunog.

“‘Di na po nakuha ng asawa ko kasi inuna niya itong bunso ko kasi na-trap itong bunso ko,” kwento ni Pede.

“Kaya ‘di niya ito nakuha kasi naghahanapbuhay din ako eh…Pambili po sana ito ng sasakyan… jeep po sana pang-hanapbuhay ko po sana. Para po meron na ako hanapbuhay na sarili,” dagdag pa niya.

Isa lamang si Pede sa 60 katao na nabiktima ng naturang sunog, na naapula ala-una ng hapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sa isang nasunog na bentilador nagmula ang apoy.