Pambato ng Naga College Foundation, swak sa top 10 ng Criminology Licensure

Pasok sa top 10 ng February 2024 Criminology Licensure Exam (CLE) ang pambato ng Naga College Foundation (NCF).

Pasok sa top 10 ng February 2024 Criminology Licensure Exam (CLE) ang pambato ng Naga College Foundation (NCF).

Nakakuha ang NCF alumnus na si Russel Roslin Abes ng 89.40% na iskor sa naturang pagsusulit upang makuha ang ika-10 pwesto sa CLE.

Bukod kay Abes, 115 pang graduate ng NCF ang nakapasa sa CLE.

Ipinaabot naman ng NCF ang kanilang pagbati kay Abes at sa iba pang bagong criminologist.

“Naga College Foundation, Inc. (NCF) congratulates the entire community of the College of Criminal Justice Education (CCJE), headed by Dr. Marilyn F. Balares, RCrim, for their unwavering support and commitment to the pursuit of excellence and prominence in criminal justice education,” saad sa Facebook post ng kolehiyo.

Samantala, si Mark Angelo Marquez ng Notre Dame of Tacurong College ang topnotcher sa CLE sa kanyang grado na 91.30%. Sinundan siya ni Angeline Ilagan ng Cavite State University na nakakuha ng 91.15%.