Pambabastos ni Glenn Chong kay First Lady Liza, swak sa disbarment case – Bongalon

Naniniwala si Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na maaaring mawala ang pagiging abogado ni Atty. Glenn Chong matapos nitong bantaan si First Lady Liza Araneta Marcos.

Naniniwala si Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na maaaring mawala ang pagiging abogado ni Atty. Glenn Chong matapos nitong bantaan si First Lady Liza Araneta Marcos.

Sa prayer rally ng mga taga-suporta ni Pastor Apollo Quiboloy noong nakaraang linggo, nagbanta si Cong na sasampalin niya ang first lady.

Ani Bongalon, pwedeng sampahan ng disbarment case si Chong dahil sa kanyang pahayag.

“It pains me because the one who made this statement publicly is a lawyer, one who is in the same profession, and it reflects the legal profession,” saad ni Bongalon sa isang press conference ngayong Martes.

“There is enough ground because as a lawyer in a legal profession, we have this code of professional responsibility and accountability or CPRA, it states basically that we have duties not just to our clients, not just to the courts, but to the society in general,” dagdag pa niya.

Kaugnay ng naging pahayag ni Chong laban kay Liza ay may ilang kongresista ang nanawagang maglabas siya ng isang public apology.

Si Chong ay nagsilbi rin bilang dating kinatawan ng Biliran at tumakbo pang senador noong 2019.