Pamatid init! Tsuper sa Tarlac may pa-libreng tubig sa mga pasahero

Good vibes ang hatid ng isang viral Facebook post kung saan isang jeepney driver ang nagpapamahagi ng libreng tubig sa kanyang pasahero.

Good vibes ang hatid ng isang viral Facebook post kung saan isang jeepney driver ang nagpapamahagi ng libreng tubig sa kanyang pasahero.

Ibinahagi ni Micaella Nelmida sa “Tarlac Forum” ang larawan kung saan makikita na may isang malaking water container sa loob ng jeep.

Bukod pa riyan ay may nakasulat pa ditong “Mineral Libreng Tubig,” at may nakasabit pang mga plastic cups para sa mga nais uminom.

“I found it as a kind gesture po and sobrang rare po sakin na makakita ng mga jeep na may ganun,” kwento ni Nelmida.

Dagdag pa ng uploader, habang nakahinto ang jeep ay inaalok pa mismo ng driver ang mga pasahero na uminom.

Samantala, marami namang netizen ang natuwa at humanga sa tsuper.

“Thanks to you kuya. Good job. Salute.”

“What a good Samaritan! May your tribe increase. Be blessed.”

“Saludo ako sau manong driver sana ipagpatuloy nyo po ang magandang gawain nyo po.”