Pamaskong doobie pala: Halagang P200k marijuana na binalot gaya ng isang regalo, nasabat sa Malabon

Ibinalot diumano ng mga suspek sa gift wrapping ang marijuana upang magmukhang regalo o Pamasko at hindi mahalata ng mga awtoridad.

Himas rehas ngayong ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng mga operatiba ng Malabon Police na nagkakahalaga ng tinatayang P200,000.

Ibinalot diumano ng mga suspek sa gift wrapping ang marijuana upang magmukhang regalo o Pamasko.

“Ginawa nila itong parang regalo na nakalagay mismo sa loob ng paper bag,” kwento ni Malabon police chief Police Colonel Jay Baybayan. “Kasi ngayon, sa panahon ng Pasko, hindi mo naman halata na ang Christmas paper bag ay magagamit i-conceal yung kanilang pagbebenta ng droga.”

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek at naghihintay na masampahan ng kasong paglabag sa mga anti-drug law ng bansa.