Pamangkin ni Abalos, arestado sa pag-operate ng colorum sa Cubao

Walang lusot sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang babae na nag-ooperate ng mga colorum na sasakyan sa Cubao, Quezon City.

Walang lusot sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang babae na nag-ooperate ng mga colorum na sasakyan sa Cubao, Quezon City.

Ito’y kahit pa nagpakilala ang suspek na pamangkin umano ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Nagkasa ang MMDA, DILG at Department of Transportation ng entrapment operation para makalaboso ang operasyon ng van na colorum sa QC na biyahe pa-Laguna.

Mismong si Abalos ang nag-utos ng entrapment operation kung saan nahuli ang kanyang kamag-anak na nagpakilalang si alyas Jaz Abalos.

Naaktuhan ng MMDA ang isang van na may pasong rehistro. Ayon sa mga pasahero ay nagbayad sila ng P200 bilang pamasahe.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, sinubukang makipag-areglo ng babaeng suspek na nagpakilalang pamangkin umano siya ni Abalos.

Napag-alaman na totoong kamag-anak siya ng DILG secretary.

“Upon verification, it turned out that the woman is a relative of the DILG chief. She was recognized by one of the members of Abalos family through her photo and name,” ayon kay Vargas.

Nahaharap sa kasong falsification of public documents with conspiracy, estafa, resistance and disobedience, at light threat ang suspek kasama pa ang isa pang nahuli rin sa oprasyon.