Palpak na serbisyo, baluktot pa ang palusot! Kapabayaan ng NGCP, sanhi ng malawakang blackout sa buong Panay Island–PBBM

Para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kapabayaan ng National Grid Corporation of the Philippines ang pangunahing dahiln kung bakit nagkaroon ng malawakang power outage sa Western Visayas, na nakaapekto naman sa libu-libong residente at mga negosyante.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Energy Regulatory Commission (ERC) tapusin na sa lalong madaling panahon ang pagbusisi ng rate reset review ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng matagal na power outage sa Western Visayas.

Sa isang mensahe, sinabi ni Marcos na kapabayaan ang dahilan ng krisis na kinakaharap ngayon ng iba’t ibang probinsiya sa Visayas.

“NGCP’s failure to act during the crucial two-hour window is a missed opportunity. As the systems operator, NGCP must proactively engage with distribution utilities and cooperatives to manage loads and prevent such system collapses,” paliwanag ni Marcos sa kaniyang mensahe na naka-upload sa Facebook page ng Presidential Communications Office.

BASAHIN RIN: Nagkataon lang o nagbabadyang krisis na? Bahagi ng Panay, Negros Occidental, tinamaan ng malawakang blackout

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit inatasan ni Marcos ang ERC na madaliin ang rate reset review.

“In this regard, I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, ang malawakang brownout sa Panay, Guimaras, at Negros ay nakaapekto ng malaki sa mga residente at negosyante.