Palitan na! Chinese embassy officials walang ginagawa sa WPS dispute, pinapalala pa sitwasyon

Naniniwala ang isang maritime expert na dapat nang palitan ang mga opisyal ng Chinese embassy na nasa Pilipinas.

Naniniwala ang isang maritime expert na dapat nang palitan ang mga opisyal ng Chinese embassy na nasa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Jay Batongbacal, ang Director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea at maritime expert, maituturing na diplomatic way kung papalitan ang mga opisyal ng China sa bansa.

Anya, nakakadagdag lang sila sa hindi pagkaka unawaan ng Pilipinas at China.

May mga insidente rin anyang ginawa ang mga China Embassy na hindi katanggap-tanggap, tulad ng pagbabanta sa mga OFW na nasa Taiwan, pag deny na tinutukan ng laser ang Philippine Coast Guard, pag agaw sa debris ng kanilang rocket, at ang pag uutos sa Pilipinas kung ano ang dapat gawin na para anyang itinuturi tayong hindi isang malayang bansa.

Gayundin ang ilegal na pagsisiwalat ng mga sinasabing recording ng secret communication at confidential discussion.

Kaya makakatulong daw na maplantsa ang gusot sa pagitan ng China at Pilipinas kung papalitan ng matinong kausap ang mga opisyal ng Chinese embassy.