Palit kay Zubiri! Chiz Escudero uupong Senate President

Nakatakdang iluklok si Senador Chiz Escudero bilang panibagong Senate President ng 19th Congress.

Nakatakdang iluklok si Senador Chiz Escudero bilang panibagong Senate President ng 19th Congress.

Papalit si Escudero kay Senador Miguel Zubiri, na umupong Senate President mula pa noong July 2022.

Ayon sa report ng Politiko, nakakuha ng suporta si Escudero mula kay Senadora Grace Poe, na dati niyang naging running mate noong 2016.

Ilan pa sa susuporta kay Escudero ay ang magkapatid na sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, pati ang mag-inang sina Senador Cynthia at Mark Villar.

Matatandaan na simula pa noong nakaraang taon ay may ugong-ugong na ng kudeta para palitan si Zubiri bilang lider ng Senado.

Karamihan umano ng mambabatas ay nadismaya sa pamamalakad ni Zubiri nang magsimula ang imbestigasyon sa ‘PDEA leaks’, na tungkol sa umano’y pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa iligal na droga.

Kinumpirma ni Majority Leader Joel Villanueva na tatalakayin ngayong araw ng Senado ang napipintong pagpapalit ng liderato.