Palit direksyon na? PDP, binura na ‘Laban’ sa pangalan

Tinanggal na ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang salitang 'Laban' sa kanilang pangalan.

Tinanggal na ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang salitang ‘Laban’ sa kanilang pangalan.

Sa 42nd anniversary ng political party na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon ng mosyon para gawing PDP na lang ang pangalan ng kanilang partido.

Wala namang miyembro ng PDP na nag-object sa naturang mosyon.

Nakilalang PDP-Laban ang partido noong makipag-merge ito sa Lakas ng Bayan, kung saan si Ninoy Aquino Jr. ang naging founder.

Naging ruling political party ang PDP-Laban matapos maluklok sa pagka-Pangulo si Cory Aquino.

Muling bumalik sa kapangyarihan ang PDP nang maging presidente naman si Duterte.