Paliit na nang paliit ang pag-asa! Nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon, maaaring patay na — CIDG

Inamin ng isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4-A na malaki ang posibilidad na patay na ang nawawalang beauty queen na Catherine Camilon.

Inamin ng isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4-A na malaki ang posibilidad na patay na ang nawawalang beauty queen na Catherine Camilon.

Ito ay base na rin sa mga testimonya ng mga testigo at mga nakalap na ebidensiya.

“We are hoping for the best, but we are expecting the worse,” ani Maj. Nilo Morallos, deputy chief ng CIDG Region 4-A. “Hindi po namin masabi kung wala na po talaga, pero base po sa account ng witnesses namin it appears na ‘yun na nga po, na patay na po.”

BASAHIN RIN: Missing pa rin ang beauty queen! Drayber ng suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, sumuko na

Oktubre pa napaulat na nawawala si Camilon, na sinasabing nobya ng pangunahing suspek na si Maj. Allan de Castro.

Noong Nobyembre, sinabi naman ng Philippine National Police na may dalawang testigo na nakakita kung paano ilipat ng tatlong lalaki ang katawan ni Camilon sa isang sasakyan, na narekober na rin ng mga awtoridad.

BASAHIN RIN: Umuusad na ang kaso: Sasakyang may kinalaman sa nawawalang beauty queen, natagpuan na

Dinala ang kotse, isang Honda CRV na walang plaka, sa Camp General Miguel C. Malvar sa Batangas City para sa forensic examination. Dito nakumprima na ang mga hibla ng buhok ay maaaring kay Camilon dahil match ito sa DNA ng kaniyang mga magulang.

BASAHIN RIN: Siya nga ata ang isinakay: Hibla ng buhok, dugo sa inabandonang SUV, sa nawawalang beauty queen malamang—pulis