Paldong-paldo ang Bagong Taon nito! Isang mananaya, nakopo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto

Ang higit P571-milyong premyo ay pinakamalaking napanalunan kasaysayan ng lotto. Mas malaki ito ng higit P100 milyon sa ikalawa (P366 milyon) at ikatlong (P310 milyon) pinakamalaking jackpot sa kasaysayang ng PCSO.

Napanalunan ng isang mananaya ang P571,554,916.40 na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 29.

Nakuha niya ang winning combination na 19, 35, 25, 42, 58, 05.

Ang higit P571-milyong premyo ay pinakamalaki sa kasaysayan ng lotto. Sa katunayan, mas malaki ito ng higit P200 milyon sa dating pinakamalaking jackpot na P366 milyon na tinamaan naman noong Hunyo.

Ang naturang mananaya rin ang kauna-unahang nanalo sa “Handog Pakabog” ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung saan ginawa nitong P500 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55.

BASAHIN RIN: May ‘Handog Pakabog’ ang PCSO: Kalahating bilyon, maaaring mapanalunan sa larong 6/55 at 6/58

Napanalunan rin ng isang mananaya ang P23-milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 sa parehong bola nitong Biyernes. Ang winning combination naman nito ay 6, 12, 28, 4, 16, 17.