Paldo! Diwata nakatanggap ng bahay at lupa, P5M endorsement, P1M cash

Maagang Christmas gift ang natanggap ng social media personality na si Deo Balbuena o mas kilala rin bilang Diwata, sa kanyang kapwa media personality at businesswoman na si Rosmar Tan Pamulaklakin.

Maagang Christmas gift ang natanggap ng social media personality na si Deo Balbuena o mas kilala rin bilang Diwata, sa kanyang kapwa media personality at businesswoman na si Rosmar Tan Pamulaklakin.

Matapos kasi bisitahin ni Rosmar ang sikat na unli pares owner ay binigyan niya ito ng tumataginting na bahay at lupa, P5 milyong halaga ng edorsement, at P1 milyong piso.

Dahil sa mga natanggap na regalo ay hindi naiwasan ni Diwata na maging emosyonal, kung kaya’t napayakap pa ito kay Rosmar.

Ayon kay Rosmar, hindi na umano siya nag-iwan ng kahit anong gamit na may tatak ng kanyang pangalan upang ipakita na busilak ang kanyang hangaring makatulong.

“Hindi po ako nag-iwan sa location ni Diwata ng kahit anong may tatak Rosmar kasi ‘di para gamitin ko siya sa brand ko,” saad ni Rosmar.

“Busilak ang aking puso sa pagtulong at ‘di para gamitin siya. Bagkus, ibang mga brand ang binida ko na mga tumulong sa akin para mabigyan ng 1 year endorsements si Diwata para may monthly pumapasok sa kanyang pera,” dagdag pa nito.

TINGNAN: