Palayasin ang walang ambag! NEDA, pabor sa POGO ban sa bansa

Pabor ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa mga panukalang pagpapalayas sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil may negatibong epekto ito sa mga Pilipino.

Pabor ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa mga panukalang pagpapalayas sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa isang briefing ng Malacañang, sinabi ni NEDA director-general Arsenio Balisacan na pabor ang ahensiya sa nasabing proposal dahil may negative effects sa mga tao ang online gambling.

“It’s an appreciation of what the long-term benefits are versus the cost. Our position at NEDA, which we have submitted some time ago, the cost especially, social cost, are quite high. And we don’t think that the benefits in terms of the revenues generated and the impact on the economy are worth the cost,” paliwanag ni Balisacan kung bakit pabor sa nasabing panukala ang NEDA.

Kumpiyansa rin si Balisacan na kayang i-offset ng mga bagong investments ang mga mawawalang government revenue kung sakaling tatanggalin na ang mga POGOs sa bansa. Aniya, patuloy na naghahanap ng mga mamumuhunan sa bansa ang pamahalaan.

Una nang nai-file ng Senate Ways and Means Committee noong Martes, Setyembre 19, ang panukalang pagpapaalis sa mga POGOs.