Palayasin ang mga Tsino sa teritoryo ng Pilipinas! Pagbomba ng tubig sa mga barko ng BFAR sa Bajo de Masinloc, kinastigo ng NTF-WPS

Ang tatlong barkong binomba ng CCG ng water cannon ay ang BRP Datu Sanday, BRP Bankaw, at BRP Datu Tamblot, na pawang nagdadala ng krudo at grocery packs para sa tinatayang 30 Filipino fishing vessels sa may Scarborough Shoal.

Mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang “illegal and aggressive actions” ng China Coast Guard (CCG) sa tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagdadala lamang ng humanitarian support para sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Tinukoy rin ng NTF-WPS ang tatlong barko na binomba ng CCG ng water cannon: ang BRP Datu Sanday, BRP Bankaw, at BRP Datu Tamblot.

Pawang nagdadala ng krudo at grocery packs ang tatlong barko para sa tinatayang 30 Filipino fishing vessels bilang bahagi ng humanitarian at support mission.

“Based on the reports received, as the BFAR vessels approached 1.4 to 1.9 nautical miles from Bajo de Masinloc, the CCG ships utilized water cannons to obstruct and prevent BFAR vessels from approaching the Filipino fishing vessels eagerly awaiting the oil subsidy and grocery packs. The water cannons had been used at least eight times at the time of reporting,” pagsasalaysay ng NTF-WPS sa isang pahayag.

Dagdag nito, may kasama ring mga Chinese Maritime Militia (CMM) vessels ang CCG nan ang-harass din sa tatlong barko ng BFAR.

BASAHIN RIN: Kailan kaya darating ang resbak? Resupply ship ng BFAR, binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa may Scarborough Shoal

Kaugnay niyan, binalaan ng NTF-WPS ang China na dapat na nitong alisin ang mga barko nito sa Bajo de Masinloc at tigilan na ang pangha-harass.

“We demand that the Chinese government take immediate action to halt these aggressive activities and uphold the principles of international law and desist from actions that would infringe on Philippine sovereignty and endanger the lives and livelihood of Filipino fishermen who have traditionally fished in the area. The NTF-WPS remains committed to protecting the sovereignty and territorial integrity of the Philippines in the West Philippine Sea,” giit ng task force.