Palasyo: Tuloy ang pagtugis sa mga salarin sa pagpatay sa abogado sa Abra

Nangako ang Palasyo na tutugisin nito ang mga tao sa likod ng pagpatay sa abogado sa Abra kamakailan.

Kinundena ni Malacañang ang pagpatay sa abogadong si Maria Saniata Gonzales-Alzate sa Abra at nangako na hindi titigil hanggang makamit ang hustisya para sa kanya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek sa pagpatay kay Alzate.

“We join our brothers and sisters in the legal profession in condemning the killing of Atty. Alzate, who was mercilessly gunned down in front of her home [in] the afternoon of 14 September 2023,” ani Bersamin, na tubong Abra.

“We will ensure that our law enforcement agencies will work relentlessly to bring to justice those behind this heinous act,” dagdag pa ng opisyal.

Nakiramay ang opisyal at pinaabot sa pamilya ang mensahe ng suporta ng buong Palasyo sa trahedyang kinakaharap nila.

“We are one with the family of Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate in this time of grief, and we offer them our most sincere and heartfelt condolences,” ani Bersamin.

Pinuri ni Bersamin ang trabaho ni Alzate bilang isang public interest lawyer at commissioner of bar discipline ng Integrated Bar of the Philippines.

“She was a fearless and steadfast lawyer, principled in her practice of law and unrelenting in her pursuit of justice,” he said.