Palasyo: Price control sa bigas, magsisimula sa Setyembre 5

Nilinaw ng Malakanyang na ang mga itinakdang presyo para sa bigas sa bisa ng Executive Order (EO) No. 39 ay magsisimula sa Martes, Setyembre 5.

Nilinaw ng Malakanyang na ang mga itinakdang presyo para sa bigas sa bisa ng Executive Order (EO) No. 39 ay magsisimula sa Martes, Setyembre 5.

Sa isang pahayag noong Biyernes, Setyembre 2, sinabi ni Undersecretary Leonardo Roy Cervantes ng Office of the Executive Secretary na mapapagtibay lamang ang EO kapag nailimbag na ito sa mga pahayagang Pambansa.

Nakasaad sa EO ang takdang presyo ng regular milled rice sa P41 kada kilo, habang ang well-milled rice naman ay nakatakda sa P45 kada kilo.

Hindi kasama sa price ceiling ang mga special at premium rice.

Hinimok ng opisyal ang mga mamamayan na kaagad isumbong ang mga retailers at suppliers na hindi susunod sa pagtakda sa presyo ng bigas. Maaaringipagbigay alam ito sa gobyerno sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Center.

Maliban sa pagtakda ng presyo ng bigas, inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry at Department of Agriculture na magmatyag sa mga merkado habang ipinatutupad ang price ceiling.

Katulong ng mga naturang ahensya ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at Bureau of Customs, na inutusan rin na salakayin at kumpiskahin ang mga mapapatunayang puslit na bigas na iligal na iniimbak.