Palalakasin ang pagkakaibigan: Mas magandang ugnayan, nais ni PBBM sa pagtanggap sa bagong ambassador ng Vietnam at Timor-Leste

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas gaganda pa ang ugnayan ng Pilipinas at ng Vietnam at Timor-Leste matapos niyang pormal na tanggapin nitong Martes, Enero 2, ang kanilang mga bagong ambassador sa bansa.

Pormal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes, Enero 2, ang mga bagong ambassador ng Vietnam at Timor-Leste sa Pilipinas.

“It is with great pleasure that I welcome you to Manila, to the Philippines as the Ambassador of Vietnam to our country,” sabi ni Marcos kay Lai Thai Binh ng Vietnam sa isang seremonya sa Palasyo. “It is just in time as we have many things planned between our two countries, and I’m very happy to have received your letter of credence.”

Binigyang-diin rin ng pangulo ang plano nila ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na palawigin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa hiwalay na seremonya, sinabi ni Marcos kay bagong Timor-Leste Ambassador to the Philippines Marciano Octavio Garcia Da Silva na ang kaniyang pagkakatalaga ay “indicative of the growing partnership” ng Timor-Leste at Pilipinas na aniya’y umusbong pang lalo nitong mga nakaraan taon.

Tiniyak rin niya kay Da Silva napatuloy na susuportahan ng Pilipinas ang Timor-Leste sa pamamagitan ng “South-South Cooperation.”

Matatandaang bumisita sa bansa noong Nobyembre 2023 ang pangulo ng Timor-Leste na si José Ramos-Horta para sa apat na araw na state visit.

BASAHIN RIN: Pag-uusapan kaya ang fugitive na nagtatago sa kanilang bansa? Pangulo ng Timor-Leste, nagtungo sa Maynila para sa state visit kay PBBM