Palakasin natin ‘yan: PBBM, nais pagandahin ang industriya ng fibercrop

Inatasan ng pangulo ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) na pangunahan ang pagpapalago ng industriya ng fibercrop.

Sinabi ni Ferdinand R. Marcos Jr. na katuwang ng industriya ng fibercrop ang pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapalago nito upang makapagbigay ng mas maraming kabuhayan.

Kaugnay niyan ay inatasan niya ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) na pangunahan ang pagpapalago ng naturang industriya.

“I therefore urge the PhilFIDA to remain steadfast in utilizing its mission of providing research, production, education, and trade regulation support so that the fiber industry can take advantage of new avenues for development and growth,” ani Marcos sa isang mensaheng ipinadala niya sa ginanap na 2023 National Fibercrops Summit nitong Martes, Nobyembre 14.

Dito rin niya tiniyak na kaisa ng PhilFIDA ang pamahalaan sa pagpapayabong ng industriya ng fibercrop.

“As we stand at the crossroads of agricultural innovation, let this summit be a testament to our shared commitment to shaping a resilient and flourishing future for your industry. I trust that this gathering will be a conducive platform where ideas flourish, collaborations thrive, and the seeds sown today blossom into a harvest of success for our nation,” paliwanag pa ni Marcos.

Kabilang sa mga kilalang fibercrop sa bansa ay ang abaca, piña, at salago.