Palag na! Mga Pinoy, nais ang mas malakas na aksyon kontra climate change – survey

Matapos ang mga malalakas na bagyong sumalanta sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon, maraming Pilipino na ang sumusuporta sa mas malakas na aksyon kontra sa climate change, ayon sa isang survey.

Matapos ang mga malalakas na bagyong sumalanta sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon, maraming Pilipino na ang sumusuporta sa mas malakas na aksyon kontra sa climate change, ayon sa isang survey.

Mas mataas na ang kamalayan ng mga Pilipino sa usaping climate change, ang pagbabago ng klima na nagdudulot ng matinding init o malalakas na bagyo, bagay na lumitaw sa ginawang survey ng pollster na Oculum Research and Analytics.

Ayon sa datos, 54 porsiyento ng mga Pilipino na-survey mula Hulyo 17 hanggang 30 ang sumusuporta sa higit pang pagkilos kontra climate change.

Patunay lamang ito sa lumalaking suporta patungkol sa pag-apruba ng mga programang itinataguyod ang pangangalaga sa kapaligiran, paliwanag ng pollster sa isang pulong balitaan sa Makati City noong Biyernes, Setyembre 1.

Matatandaang binalaan na ng Greenpeace ang Pilipinas noong 2022 dahil ito ay isang “climate emergency hotspot,” kung saan ang bansa ay isa sa pinakamaaapektuhan ng climate change. Alinsunod rito ay pinagtuunan na ng administrayong Marcos ang nasabing problema upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino laban sa mga kalamidad gaya ng malalakas na bagyo at matinding init.