Palaban si sir! Bautista, dinemanda ang mga naninira umano sa kanya

Bumwelta na si Transportation Secretary Jaime Bautista sa mga aniya'y naninira sa kaniyang pangalan sa pamamagitan ng pagdawit sa kanya sa mga anomalya diumano sa LTFRB.

Pormal ng dinemanda ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang dalawang indibidwal na aniya ay sumisira sa kaniyang reputasyon at pilit siyang dinadamay sa mga alegasyon ng anomalya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang dalawang kinasuhan ni Bautista sa Department of Justice ay sina Mar Valbuena, chairman ng grupong Manibela, at Ira Panganiban, na isang kilalang mamamahayag.

“I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity,” paliwanag ni Bautista.

Dinemanda ni Bautista sina Valbuena at Panganiban sa paglabag sa Article 355 na may kaugnayan sa Article 353 ng Cyber Crime Prevention Act.