Pakyaw! QC police nadakip 4 most wanted

Arestado ang apat na most wanted persons (MWPs) sa Quezon City matapos magsagawa ng magkakagiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD).

Arestado ang apat na most wanted persons (MWPs) sa Quezon City matapos magsagawa ng magkakagiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD).

Isa sa mga nadakip ang No. 9 district level MWP na si Edison Miller. Siya ay arrest warrant para sa carnapping mula sa QC Regional Trial Court (RTC) Branch 76.

Nahuli rin ang No. 7 MWP na si Marina Cayanan, na nahaharap sa anim na bilang ng estafa mula sa QC Metropolitan Trial Court Branch 135.

Nabilanggo rin ang No. 7 MWP ng Tapaz Municipal Police Station na si Joseph Espadon, na may kasong frustrated murder.

Samantala, hindi rin nakaligtas ang No. 10 MWP na si Alfredo Tela, na may two counts sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.