Pakiusap lang, sumunod na kayo: Influencers, content creators, pinaalalahanang magbayad ng tax

Maraming social media personalities ay tila hindi pinapansin ang panawagan ng BIR na magbayad sila ng tax.

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media influencer at content creator na boluntaryo nang magbayad ng tax.

Ang masama nito, marami sa kanila ay tila hindi pinapansin ang panawagan ito, ayon na rin mismo sa ahensiya.

Nauna nang sinabi ng BIR na umaasa lamang muna sila na boluntaryong magbabayad ng tax ang mga social media influencer at content creator dahil ang kita nila ay galing sa mga kumpanya sa ibang bansa kung saan walang jurisdiction ang ahensiya.

BASAHIN RIN: Magbayad kayo ng buwis! BIR, aminadong hirap pa rin habulin ang mga influencer, ‘content creator’

“As we look at compliance and returns of requests for information, issuance of LOA (letters of authority) and/or filing of cases for tax evasion [because of their] disregard of BIR notices is not unlikely,” saad ni BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga sa mensahe nito sa Inquirer.

Gayunpaman, hindi na sinabi ni Sabariaga kung sinu-sinong mga personalidad ang mino-monitor ng BIR, na nagsimulang habulin ang tax ng mga influencer at content creator noong pang 2021 dahil na rin sa laki ng kinikita ng iba rito.