Pakapalan agad ng mukha! Ilang kandidato, garapalanag nilabag ang mga batas halalan—Comelec

Tila realidad na sa Pilipinas talaga na may mga pasaway na gustong malulok sa pwesto. Ganyan ang nangyari sa simula ng campaign period para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa unang araw palang ng campaign period ay mga naobserbahan na ang Commission on Elections (Comelec) na garapalang paglabag sa mga batas halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Kabilang sa mga violations na nakita ng Comelec ang sumusunod:

• Paglalagay ng mga tarpaulin ng mga kandidato sa mismong bakuran ng barangay hole

• Paglalagay ng mga campaign poster sa mga poste ng kuryente

• Pagsabit ng mga banderitas at streamers sa mga kable ng kuryente at streetlight

• Paglalagay ng mga tarpaulin at poster sa labas ng designated area

“There are a number of violations like placing campaign materials on electric posts and power lines,” saad ni Comelec Chairman George Garcia, na nagbabala sa mga kandidato kaugnay rito.

“Take extra care because you may get disqualified,” dagdag pa ni Garcia.

Aniya, dapat sabihan rin ng mga kandidato ang kanilang tagasuporta tungkol sa mga batas sa pangangampanya, katulad nang kung saan lamang pwede maglagay ng mga poster o tarpaulin.

Kung hindi, maaaring madiskwalipika ang mga kandidatong lalabag sa mga batas halalan, ayon sa opisyal.