Pakantahin na yan para mahuli ang mastermind! Suspek sa pagsabog sa MSU-Marawi, arestado—AFP

Dalawang motorsiklo rin ang nakuha sa operasyon na ikinasa ng mga awtoridad kung saan natunton ang suspek, na inilarawan ng mga imbestigador bilang kasabwat sa pagsabog sa MSU-Marawi.

Arestado na ang isa sa mga suspek sa pagbomba sa Mindanao State University (MSU) in Marawi City Biyernes ng madaling-araw, Disyembre 8, ayon sa military.

Kinilala ang suspek na si Jaffar Gamo Sultan, na may alyas Jaf at Kurot, ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Col. Xerxes Trinidad.

Inaresto si Sultan noong Miyerkules, Disyembre 6, sa Barangay Dulay Proper sa Marawi City, ayon kay Trinidad.

Isa umano si Sultan sa mga kasamahan ni Omar, ang itinuturong suspek na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium sa MSU noong Linggo, Disyembre 2.

Dalawang motorsiklo rin ang nakuha sa operasyon na ikinasa ng mga awtoridad kung saan natunton si Sultan, na inilarawan ng mga imbestigador bilang kasabwat sa pagsabog sa MSU-Marawi.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang mga suspek, ayon kay Trinidad.

Apat ang namatay, habang dose-dosena pa ang nasaktan sa pagsabog, na nangyari sa gym ng MSU-Marawi habang idinadaos ang isang Misa para sa mga mag-aaral at guro doon.

Malugod na tinatanggap ang balita ni MSU-Marawi board of regents secretary Shidik Abantas, at sinabing patunay sa determinasyon ng mga awtoridad na lutasin agad ang kaso.

“We welcome this update as it shows that our security forces are serious in finding justice to the victims of the unfortunate incident,” aniya.

“Rest assured, that the university will extend all the necessary help it can provide to the authorities in order to deliver justice to the victims,” dagdag pa ng opisyal.