Pairalin nating ang pananampalataya, pagmamahal: PBBM, kaisa ng milyung-milyong deboto sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno

Hinimok ng pangulo sambayanang Pilipino na pairalin ang pananampalataya sa bawat kilos at salita para sa mas magandang kinabukasan na puno ng pagmamahal, kabaitan, at pagkakaisa.

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno ngayong Martes, Enero 9. Kaugnay niya ay hinimok niya ang lahat na pairalin ang pagmamahal at humanap ng lakas ng loob para harapin ang mga hamon ng buhay.

“Beyond the extraordinary expressions of reverence that we see on display during this event, the festivities show us the love and sacrifice of Jesus Christ who willingly offered Himself to make us whole once more,” ani Marcos sa isang pahayag.

BASAHIN RIN: Traslacion 2024 update: Tinatayang 15K deboto, sumali sa prusisyon ng pasasalamat para sa Itim na Nazareno

Dagdag pa niya, laging may panibagong pag-asa sa bawat pagharap sa hamon ng buhay

“By working through our struggles and difficulties, we discover our inner strength and resolve, emerging from the pits of darkness and despair with a renewed sense of hope and purpose,” saad ng pangulo.

Hinimok rin niya ang sambayanang Pilipino na pairalin ang pananampalataya sa bawat kilos at salita para sa mas magandang kinabukasan na puno ng pagmamahal, kabaitan, at pagkakaisa.