Pahinga ka muna, ma’am! Gobernador ng Antique, suspindido ng Sandiganbayan dahil sa graft

Pinatawan ng Sandiganbayan si Antique Governor Rhodora Cadiao ng 90-day preventive suspension dahil sa kasong graft laban sa kanya.

Pinatawan ng Sandiganbayan si Antique Governor Rhodora Cadiao ng 90-day preventive suspension dahil sa kasong graft laban sa kanya.

Nasangkot si Cadiao sa nasbaing kaso matapos umano nitong i-reassign ang isang tauhan ng probinsya at hindi ibigay ang mga sahod at allowance ng mga empleyado nito mula 2016 hanggang 2018.

Inireklamo si Cadiao ng pinuno ng Provincial General Services Office na si Antonio dela Vega, na sinasabing inilipat ng gobernadora sa Culasi satellite office. Subalit ayon sa Civil Service Commission (CSC), hindi valid ang nasabing paglipat, na siya namang naging ugat ng isa sa mga reklamo ni dela Vega.

Dagdag pa ni dela Vega, hindi rin siya binayaran ni Cadiao mg kanyang sahod at mga allowance mula 2016 hanggang 2018. Umabot na anya ang mga ito nang P1.665 million.

Ibinaba ni Seventh Division Chairperson Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta ang nasabing hatol, na sinang-ayunan naman ni Associate Justices Zaldy V. Trespeses and Georgina D. Hida