Pagtatangka na ihiwalay ang Mindanao tatapatan ng pwersa ng gobyerno, ayon kay NSA Año

Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año, hindi sila magdadalawang isip na gumamit ng pwersa laban sa sinuman na maglulunsad ng secession sa Mindanao.

Gagawin ng gobyerno ang lahat laban sa sinumang magtatangka na magkaroon ng pagkakawatak-watak ang bansa.

Sa gitna ito ng inilutang na mungkahi na ihiwalay ang Mindanao.

Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año, hindi sila magdadalawang isip na gumamit ng pwersa laban sa sinuman na maglulunsad ng secession sa rehiyon.

“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” ani Año.

Naniniwala ang kalihim na sa ganitong mga senaryo ay mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para na rin sa seguridad at katatagan ng ating bansa.

Aniya, anumang plano para humiwalay ay banta sa mga pinaghirapang tagumpay sa kapayapaan at pag-unlad partikular na sa Mindanao.

“We emphasize that only the strength of our country lies in our unity, and any attempt to sow division must be rejected by all sectors unequivocally,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ng kalihim na dapat sundin ng mga Pilipino kung ano ang nakasaad sa Konstitusyon dahil ang susi sa pagiging matatag ng bansa ay ang pagkakaisa.