Pagtatanggol kay PACQ, sinuka ni Trillanes: Wala talaga sa ayos mga bata ni Du30!

Binatos ni dating senador Antonio Trillanes IV ang patuloy na pagtatanggol ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Pastor Apollo Quiboloy.

Nitong Miyerkoles ay nagprisinta si Dela Rosa na bantayan si Quiboloy sa oras na dumalo na ito sa pagdinig ng Senado. Tiniyak pa niya sa pastor na hindi siya mapapahamak.

Kaya naman sa kanyang post sa X (dating Twitter), binanatan ni Trillanes si Dela Rosa.

“Senators are elected to be protectors of the weak and powerless and be the voice of the voiceless. Itong mga alagad ni Duterte talagang wala sa ayos,” saad ni Trillanes sa kanyang post.

Si Trillanes ay kilalang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Samantala, si Dela Rosa naman ay nagsilbing PNP chief noong panahon ni Duterte.

Nitong Martes ay inilabas na ang arrest order laban kay Quiboloy, dahil na rin sa pagliban nito sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga reklamong sexual assault, forced labor, exploitation, at iba pang paglabag sa karapatang pantao.