Pagtatalaga kay Gibo Teodoro bilang kalihim ng DND, bubusisiin ng Commission on Appointments sa Setyembre 13

Sasailalim sa pagbusisi ng Commission on Appointments ang pagtatalaga kay Gilberto C. Teodoro Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND) sa susunod na Miyerkules, Setyembre 13.

Sasailalim sa pagbusisi ng Commission on Appointments ang pagtatalaga kay Gilberto C. Teodoro Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND) sa susunod na Miyerkules, Setyembre 13.

Tumakbo so Teodoro para sa Senado noong nakalipas na halalan, at natapos na ang isang taong pagbabawal sa mga natalong kumandidato.

Didinggin ng CA-Committee on National Defense sa pamumuno ni committee chair at Camiguin Rep. JJ Romualdo ang pagkakatalaga ni Teodoro sa DND. Una na ring pinamunuan ni Teodoro ang departamento noong administration ng dating pangulo at ngayong Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Samantala, magkakaroon rin ng pagdinig ang CA-Committee on Foreign sa pagkakatalaga sa mga ambassador na sina Charlie Manangan, na itinalaga sa Iraq, at Kira Azucena para sa Niue at New Zealand.

Didinggin naman ng CA-Committee on Justice and Judicial and Bar Council ang pagkakatalaga ni Erlinda Uy bilang regular member ng Judicial and Bar Council bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines.