Pagtapos ng Cha-cha: Kamara tutukan nat’l security, economic development

Matapos mabigyang prayoridad ang pagpasa sa economic Charter change (Cha-cha), itutuon naman ng House of Representatives ang kanilang atensyon sa pagpapaigting ng national security at economic development ng Pilipinas.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Aniya, ang mga hakbang na ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng kasarinlan at katatagan ng bansa.

“As we embark on another session this April 29th, our legislative focus sharpens on the dual imperatives of national security and robust development,” pahayag ni Romualdez.

“Recognizing that peace is the cornerstone of prosperity, we aim to enact laws that fortify our national defense and enhance our international security posture,” dagdag pa nito.

Noong Marso 20 nang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang economic Cha-cha, na nakapaloob sa Resolution of Both Houses (RBH) No.7.