Pagtaas ng child rape case, gustong silipin ni Legarda

Pinaiimbestigahan ni Senadora Loren Legarda ang dahilan ng lalong pagdami ng kaso ng mga pang-aabuso at panghahalay sa mga bata.

Pinaiimbestigahan ni Senadora Loren Legarda ang dahilan ng lalong pagdami ng kaso ng mga pang-aabuso at panghahalay sa mga bata.

Ayon kay Legarda, nakakaalarma ang pagtaas ng mga kaso, kaya naman kinakailangan na umanong paigtingin pa ang mga batas na magpoprotekta sa kabataan.

“We are very concerned with the alarming increase of child rape cases, especially that many of the perpetrators are relatives of the victims, trusted individuals,” ano Legarda sa Senate Resolution No. 1050.

Dapat din umanong malaman kung epektibo bang naipapatupad ang mga kasalukuyang batas sa bansa.

“We need to find out whether our current laws are enough or are even being properly implemented to punish the guilty, protect the victims, and empower the state to help the victims recover anew,” dagdag pa nito.

Samantala, base sa datos ng Child Protection Network Foundation, Inc. (CPN), nasa mahigit 2,000 ang kaso ng sexual abuse ang naitala mula Enero 1 hanggang Mayo 26 ngayong taon.