Pagsunod sa Expanded Solo Parents Act, inihirit!

Kinalampag ni Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mga negosyo at establisyimento na sumunod sa Expanded Solo Parents Welfare Act.

Kinalampag ni Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mga negosyo at establisyimento na sumunod sa Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ayon kay Herrera, nakatanggap siya ng ulat na marami ang hindi nagbibigay ng tamang benepisyo sa mga solo parent sa ilalim ng naturang batas.

Alinsunod sa RA 11861, ang mga solo parent ay may karagdagang benepisyo kumpara sa lumang bersyon ng batas. Ilan sa mga ito ang P1,000 na buwanang subsidy para sa mga kumikita ng minimum wage, 10% diskwento, at exemption sa value-added tax (VAT).

“There are still significant gaps that the government can fill to help these remarkable individuals carry the substantial load of being sole breadwinners, guardians, and caregivers,” saad ni Herrera.

“Even the simple act of acquiring a Solo Parent ID is confusing and difficult. Some establishments are not even aware that there is a law in place. Our goal is to help lighten the burden of Filipino solo parents, not to give them more bureaucratic difficulties or put them in situations where they need to explain themselves,” dugtong pa niya.

“Life is already so difficult as it is, imagine how challenging it is to care for, nurture, and raise a family. That’s already the major undertaking for two parents, how more so for soloistas?” dagdag pa ng mambabatas.

Batay umano sa isang pag-aaral, nasa 15 milyon ang mga solo parent na babae ngayon sa bansa.

Bukod pa sa mga monetaryong benepisyo, pinaalala rin ni Herrera na sa ilalim ng ilan pang batas gaya ng Telecommuting Act ay prayoridad ang mga solo parent sa pag-apruba ng work-from-home arrangement sa isang kompanya.

Kaya naman, hiniling ni Herrera na magkaroon ng information drive upang maipalaganap ang kaalaman sa naturang batas.