Pagsilip sa ‘gentleman’s agreement’ ni Duterte sa China, pinapatutukan sa Kamara

Itinulak ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na maging prayoridad ng Kamara ang pag-imbestiga sa 'gentleman's agreement' sa pagitan ni ex-president Rodrigo Duterte at ng China.

Itinulak ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na maging prayoridad ng Kamara ang pag-imbestiga sa ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni ex-president Rodrigo Duterte at ng China.

Ayon kay Castro, ang pag-amin ni Duterte na nakipag-kasundo siya sa China na magkaroon ng status quo sa West Philippine Sea (WPS) ay sapat na dahilan para tutukan ng Kamara ang imbestigasyon hinggil dito.

“Now that Duterte has finally admitted on entering a secret deal with China, it is imperative that Congress hear House Resolution 1216 that we have filed as early as last year,” wika ni Castro.

“We must know all that there is to this unpatriotic deal, and the ones responsible should be held accountable. Baka naibenta na pala ni Duterte ang West Philippine Sea ay di pa natin alam,” dagdag pa niya.

Sa kasunduan ni Duterte at ng China, pumayag ang dalawang kampo na ititigil ang pagtatayo o pag-aayos ng ano mang istruktura sa Ayungin Shoal.

Samantala, ‘di kuntento si Castro sa ibinunyag ni Duterte at nais nitong maungkat ang lahat ng nakapaloob sa kasunduan.

“We demand full disclosure of the details of this secret agreement. The Filipino people have the right to know what compromises were made and what implications these have on our country’s territorial integrity,” giit ni Castro.

“We call on our fellow lawmakers to swiftly address this issue and ensure that the interests of the Filipino people are protected. It is crucial that we uphold our sovereignty and hold those accountable for any actions that may compromise it,” aniya pa.