Pagse-cellphone sa loob ng klasrum nais ibawal ni Gatchalian

Pinag-aaralan ni Senador Win Gatchalian ang paghahain ng isang batas na naglalayong ipagbawal ang pagse-cellphone sa loob ng mga silid-aralan ng mga estudyante mula elementarya hanggang senior high school.

Ayon sa senador, imbis na cellphone, libro ang dapat hawak ng mga mag-aaral kapag nasa loob ng silid-aralan.

“Isa sa mga observations, hindi lang dito sa atin kundi pati na sa ibang bansa, marami sa ating mga bata talagang nalululong na sa paggamit ng cellphone, even sa loob ng classroom. Dapat nagbabasa sila pero nanonood ng Youtube, Tiktok,” saad ng senador nitong Huwebes.

“Yung cellphone kasi takes away reading time eh. Yun ang mga pag-aaral na nakita ko. It takes away also study time and social time dahil hindi na sila nag-uusap ngayon,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone, tangka rin ni Gatchalian na maipasa na ang Senate Bill No. 475. Sa ilalim ng panukalang ito, idedeklara ang buwan ng Nobyembre bilang National Reading Month sa bansa.