Pagsasangla ng 4Ps cash card sa Bicol Region, pinaaaksyunan

Inatasan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na magpasa ng ordinansa na magpaparusa sa mga 4Ps beneficiary na magsasangla ng kanilang mga cash card.

Sa panayam kay DSWD-Region 5 informaiton officer Jessica Buendia, 27 lokal na pamahalaan sa Bicol Region ang may ordinansa na laban sa pagsasangla ng mga cash card kaya’t hinihikayat nilang sumunod na ang iba pang mga bayan.

“The ordinance is designed to prevent the misuse or exploitation of cash cards provided to beneficiaries under the 4Ps program. As a protective measure, the ordinance ensures that funds are used for their intended purposes. These ordinances were created to penalize loan sharks, lenders, and government officials who violate the law,” saad ni Buendia.

Sa ilalim ng Resolution No. 20 ng National Advisory Committee, ang pagsasangla ng mga 4Ps cash card ay maaaring magresulta sa counseling, written warning, suspensyon ng mga benepisyo at pagkakatanggal sa listahan ng mga benepisyaryo.

Batay sa tala nitong Disyembre 2023 ay may mahigit 400,000 benepisyaryo ang 4Ps sa Bicol Region.